Miyerkules, Oktubre 15, 2014

X-men:Day of the future past (2014)

Isa sa mga gaya-gayang pelikulang binigyan ng sandamakmak na epeks at mga tagapagligtas kuno. Yan ang masasabi ko sa pelikulang ito. Masakit mang isipin ay lumang luma na sa paningin ko ang gantong istorya. Madali siyang madiktahan.
Pero sa mga gusto naman makita nag mga paborito niyong mga tagapagligtas ay napakaganda nitong palabas na ito. Dahil nauuso siya.
Ini rerekomenda ko ito sa mga medyo bata bata at mga walang magawa sa oras nila. Yun lamang.

(Pictures Courtesy By: Google.com)X-men:Days of the future past trailer



Martes, Oktubre 14, 2014

Horns (2013)

Bilang isang pelikula maganda siya. Iba yung kwento niya may panlasang di basta-basta ginawa dahil narin sa ibinase siya libro. Malungkot mang sabihin hindi ko pa nababasa ang libro nito. Pero base narin sa mga nagawa kong pananaliksik medyo talagang naiba yung kwento ng pelikula sa libro na talagang nakapag padismaya ng mga taong may gusto ng istory ng libro.
Base sa panlasa ko ako'y nagandahan sa pelikulang ito. Kwento patungkol sa isang taong biniyayaan ng sungay na maykapangyarihang upang malaman ang katotohanan sa malagim na sinapit ng kanyang kasintahan.
Nahuli talaga ako ng pelikulang ito, iba siya sa mga napapanood ko ngayon. Kaya inirerekomenda ko ito.

(Pictures Courtesy By: Google.com) Horns trailer

Sabado, Oktubre 11, 2014

A walk among the tombstones (2014)

Mamisteryong pelikula ba ? isa na dapat ito sa iyong listahan. Lalong lalo na at ang bida ay si Mr. Liam Neeson na talagang napatunayan na ang angking galing sa pag arte.
Mapanood mo lang ito ng kahit labinglimang minuto at ako naninigurado na makukuha kayo ng pelikulang ito. Ang talino ng pagkakagawa nito. Ang kwento nito ay patungkol sa tinulungan ni Mr. Liam dahil siya isang pribadong detective. May pagka paghihiganti ang palabas na ito. Kaya tiyak na maeenjoy nyo ito.
Inirerekomenda ko ito.

(Pictures Courtesy By: Google.com)A walk among the tombstones trailer

Sabado, Oktubre 4, 2014

Unthinkable (2010)

Heto ang pelikulang kailangan talagang panoorin dahil hinding hindi ka bibiguin nito sa simula hanggang sa huli. Napaka talino ng palabas na ito dahil ang mga pangyayari dito ay hindi basta basta kayang diktahan.
Mga pangyayaring mga hindi inaasahan sobrang halingtulad nito sa tunay na buhay dahil maaari talagang mangyari ang mga nangyari dito. Kaya kung gusto mong malaman yung tinutukoy ko aba panoorin mo na ito.
Sa mga artista naman na nagsabuhay grabe talagang mapapa "wow!" ka nalang sa ipinakita nilang pag arte. Lalo na sa batikang aktor na si Samuel L. Jackson. Kaya inirerekomenda ko ito para sa mga naghahanap ng malupit na palabas.

(Pictures Courtesy By: Google.com)Unthinkable trailer

Linggo, Setyembre 28, 2014

Carriers (2009)

Sa mga tumatangkilik ng mga "Apocalyptic movie" aba heto na po ang bagay na panoorin nyo. Dahil kung sa movie lang naman di ka magsisisi sa istorya nito. Sabihin nanating medyo mabagal ang kwento pero ayos ito pampatay ng oras.
Medyo bibigyan ko kayo ng konting istorya dito. Ito ay tungkol sa isang sakit na maaari kang mahawa ng napakabilis sa pamamagitan ng  kontak harapan sa may sakit, maaaring sa laway, dugo, o kahit anong mahawakan nito na maaari mong mahawakan. Kaya dahil doon nagsimula ang pamumuhay nila na may tatag sa sasarili para makapamuhay hangga't hindi pa huli ang lahat.
Inirerekomenda ko ito sa lahat.

(Picture Courtesy by: Google.com) Carriers Trailer

Huwebes, Setyembre 25, 2014

If I stay (2014)

Pelikulang nagbigay pag ibig sakin. Oo lalaki ako pero nahulog ata ako sa pelikulang ito. Unang una sa lahat pinanuod ko ito sa big screen ng walang kahit anong ineekspek ang gusto ko lang ay matulog sa pelikulang to. Pero sobrang nagkamali ako sa una palang nahuli na nito ang aking atensyon.
Kaya para sa lahat sobrang nirerekomenda ko ito sobrang totoo ang istorya kaso medyo di angkop yung pisikal na romance sa isa't isa ng mga bida. Pero sobrang ganda nito dahil dito ko unang nakita ang tunay din naganda ni Chloe grace moretsz.

(Picture Courtesy by: Google.com) If i stay trailer

Miyerkules, Setyembre 10, 2014

Blended (2014)

Hinding hindi ito pumalya sa pagpapatawa. Simula hanggang huli puro pasok yung mga linya nito. Talagang maganda ang pagkakagawa ng pelikulang ito. Kung sa lugar naman aba hindi ito papahuli talagang ipinakita rin nila ang ganda ng Africa.
Sa mga karakter naman, mga dalubhasa na ang gumanap kaya talagang maganda ang kinalabasan. Ang kwento nito ay patungkol sa dalawang taong nawalan ng mga asawa. Sobrang mag eenjoy kayo dito. Kaya lubos kong inirerekomenda ang palabas na ito.

(Picture Courtesy by:Google.com) Blended trailer