Miyerkules, Oktubre 15, 2014

X-men:Day of the future past (2014)

Isa sa mga gaya-gayang pelikulang binigyan ng sandamakmak na epeks at mga tagapagligtas kuno. Yan ang masasabi ko sa pelikulang ito. Masakit mang isipin ay lumang luma na sa paningin ko ang gantong istorya. Madali siyang madiktahan.
Pero sa mga gusto naman makita nag mga paborito niyong mga tagapagligtas ay napakaganda nitong palabas na ito. Dahil nauuso siya.
Ini rerekomenda ko ito sa mga medyo bata bata at mga walang magawa sa oras nila. Yun lamang.

(Pictures Courtesy By: Google.com)X-men:Days of the future past trailer



Martes, Oktubre 14, 2014

Horns (2013)

Bilang isang pelikula maganda siya. Iba yung kwento niya may panlasang di basta-basta ginawa dahil narin sa ibinase siya libro. Malungkot mang sabihin hindi ko pa nababasa ang libro nito. Pero base narin sa mga nagawa kong pananaliksik medyo talagang naiba yung kwento ng pelikula sa libro na talagang nakapag padismaya ng mga taong may gusto ng istory ng libro.
Base sa panlasa ko ako'y nagandahan sa pelikulang ito. Kwento patungkol sa isang taong biniyayaan ng sungay na maykapangyarihang upang malaman ang katotohanan sa malagim na sinapit ng kanyang kasintahan.
Nahuli talaga ako ng pelikulang ito, iba siya sa mga napapanood ko ngayon. Kaya inirerekomenda ko ito.

(Pictures Courtesy By: Google.com) Horns trailer

Sabado, Oktubre 11, 2014

A walk among the tombstones (2014)

Mamisteryong pelikula ba ? isa na dapat ito sa iyong listahan. Lalong lalo na at ang bida ay si Mr. Liam Neeson na talagang napatunayan na ang angking galing sa pag arte.
Mapanood mo lang ito ng kahit labinglimang minuto at ako naninigurado na makukuha kayo ng pelikulang ito. Ang talino ng pagkakagawa nito. Ang kwento nito ay patungkol sa tinulungan ni Mr. Liam dahil siya isang pribadong detective. May pagka paghihiganti ang palabas na ito. Kaya tiyak na maeenjoy nyo ito.
Inirerekomenda ko ito.

(Pictures Courtesy By: Google.com)A walk among the tombstones trailer

Sabado, Oktubre 4, 2014

Unthinkable (2010)

Heto ang pelikulang kailangan talagang panoorin dahil hinding hindi ka bibiguin nito sa simula hanggang sa huli. Napaka talino ng palabas na ito dahil ang mga pangyayari dito ay hindi basta basta kayang diktahan.
Mga pangyayaring mga hindi inaasahan sobrang halingtulad nito sa tunay na buhay dahil maaari talagang mangyari ang mga nangyari dito. Kaya kung gusto mong malaman yung tinutukoy ko aba panoorin mo na ito.
Sa mga artista naman na nagsabuhay grabe talagang mapapa "wow!" ka nalang sa ipinakita nilang pag arte. Lalo na sa batikang aktor na si Samuel L. Jackson. Kaya inirerekomenda ko ito para sa mga naghahanap ng malupit na palabas.

(Pictures Courtesy By: Google.com)Unthinkable trailer

Linggo, Setyembre 28, 2014

Carriers (2009)

Sa mga tumatangkilik ng mga "Apocalyptic movie" aba heto na po ang bagay na panoorin nyo. Dahil kung sa movie lang naman di ka magsisisi sa istorya nito. Sabihin nanating medyo mabagal ang kwento pero ayos ito pampatay ng oras.
Medyo bibigyan ko kayo ng konting istorya dito. Ito ay tungkol sa isang sakit na maaari kang mahawa ng napakabilis sa pamamagitan ng  kontak harapan sa may sakit, maaaring sa laway, dugo, o kahit anong mahawakan nito na maaari mong mahawakan. Kaya dahil doon nagsimula ang pamumuhay nila na may tatag sa sasarili para makapamuhay hangga't hindi pa huli ang lahat.
Inirerekomenda ko ito sa lahat.

(Picture Courtesy by: Google.com) Carriers Trailer

Huwebes, Setyembre 25, 2014

If I stay (2014)

Pelikulang nagbigay pag ibig sakin. Oo lalaki ako pero nahulog ata ako sa pelikulang ito. Unang una sa lahat pinanuod ko ito sa big screen ng walang kahit anong ineekspek ang gusto ko lang ay matulog sa pelikulang to. Pero sobrang nagkamali ako sa una palang nahuli na nito ang aking atensyon.
Kaya para sa lahat sobrang nirerekomenda ko ito sobrang totoo ang istorya kaso medyo di angkop yung pisikal na romance sa isa't isa ng mga bida. Pero sobrang ganda nito dahil dito ko unang nakita ang tunay din naganda ni Chloe grace moretsz.

(Picture Courtesy by: Google.com) If i stay trailer

Miyerkules, Setyembre 10, 2014

Blended (2014)

Hinding hindi ito pumalya sa pagpapatawa. Simula hanggang huli puro pasok yung mga linya nito. Talagang maganda ang pagkakagawa ng pelikulang ito. Kung sa lugar naman aba hindi ito papahuli talagang ipinakita rin nila ang ganda ng Africa.
Sa mga karakter naman, mga dalubhasa na ang gumanap kaya talagang maganda ang kinalabasan. Ang kwento nito ay patungkol sa dalawang taong nawalan ng mga asawa. Sobrang mag eenjoy kayo dito. Kaya lubos kong inirerekomenda ang palabas na ito.

(Picture Courtesy by:Google.com) Blended trailer

Martes, Setyembre 9, 2014

Afflicted (2013)

Horror na kamo ? ito na ata ang hinahanap nyo. Di naman siya sobrang nakakatakot pero talagang hindi siya kinaya ng katawan ko. Sa totoo nga lang ay after ko mapanood ito halos magkasakit ako.
Ang istorya nito ay patungkol lamang sa dalawang magkaibigan na nag bumyahe patungo sa iba't-ibang bansa. Kaso may mga nangyaring di inaaakala, hindi ko na sasabahihin para abangan at mapanood nyo ito at mabigla sa mga mangyayari.
Sobrang nirerekomenda ko siya sa mga talagang hindi mahina ang mga sikmura.

(Pictures Courtesy By: Google.com)Afflicted trailer

Sabado, Setyembre 6, 2014

Begin Again (2014)

Mga musika na kay sarap pakinggan. Isa sa mga batikang musikero ng ating panahon na si "Adam levine" ay isa sa mga karakter na nandito sa pelikula. Di man ganon karami ang kanyang eksena. Siya naman talaga ang nagdala ng buong pelikula dahil sa kanyang musika.
Ang istorya na ito ay makakapagbigay inspirasyon lalong lalo na sa mga gustong maging magaling na musikero.
Pina-iikot dito ang kwento ng pag-ibig at musika. Nagandahan naman ako sa pelikula pero may hinahanap pa din ako. May kulang, hindi ko alam kung sa mga bida o talagang nabitin lang ako. Maganda siya talagang kailangan mapanood. Pang masa ang dating, nasa uso rin siya dahil sunod sunod narin ang mga "RomMus" Romantic-musical na pelikula.
Asahan na hindi kayo mabibigo sa pagnood ng pelikulang ito.

(Pictures Courtesy by: Google.com)Begin again trailer

Huwebes, Setyembre 4, 2014

Maleficent (2014)

Di lang pambata kundi pang matanda din. Palabas na maaaring mapanood ng lahat. Sasabihin ko narin na isa na to sa mga paborito kong pelikula. Di ko man napanood yung "Cartoon version" nito aba'y ok lang. Dahil dito palang solb na solb na ako.
Yung istoryang isinabuhay ni Angelina jolie(Malificent) ay hindi basta basta lalo na sa karakter niya. Napahanga ako ng husto sa pinakitang pag arte ni Malificent. At ang maganda pa dito ay ang mga makukuha nating magagandang aral mapa magandang asal o patungkol sa man sa pagtitiwala.
Masama man sa paningin may kabutihan parin sa kalooblooban. Lahat ng tao ay may kanya kanyang kabutihan kaya bilang si Malificent napatunayan nya iyon at napakita. Mga pagbabago na mas kinakailangan para ika bubuti.
Nirerekomenda ko ito.

(Picture Courtesy By: Google.com)Malificent trailer

Lunes, Setyembre 1, 2014

The right kind of wrong (2013)

Grabe itong pelikulang ito, ito na ata ang nagbigay ng ibang panlasa sa masa ng mga "RomCom" na pelikula. Di ko na ekspek ang mga nangyari sa palabas na ito. Bawat karakter ay may nakakatuwang ugali.
Pelikulang magbibigay ng kasiyahan sa tao. Dahil para sa akin sobrang bago at hindi pa gasgas ang ganitong istorya. Gustong gusto ko yung diskarte ni Leo(bidang lalaki) dito at kung pano niya gawing buhay ang kanyang karakter. At isa pang nagpabilib sa akin pag dating sa pag arte ay si Colette(bidang babae) na parang natural nalang lahat para sakanya. Dahil sa nadala talaga ako ng pelikula, naaawa ako kay Danny(Asawa ni Colette) hindi siya marunong mag alaga ng meron siya. Sobra kong nirerekomenda ito nawa'y mapanood niyo.

(Pictures Courtesy By: Google.com)The right kind of wrong trailer

Linggo, Agosto 31, 2014

Vampire academy (2014)

Para sa mga umiidolo sa mga bampira, heto na ang isa sa mga dapat panoorin nyo. Dahil sa dami ng bersyon ng mga bampira, isa ito sa mga naiba.
Pero sa mga tao namang walang interest sa mga gantong tema ay lubos kong sinasabing wag na hoh nating panoorin ito. Dahil ako na pong nagsasabi, hindi po talaga masyadong maganda ang script ng pelikula at ang pag akting ay di ko masyadong nagustuhan. Mababawi naman siguro ito ng kaka ibang istorya ng mga bampira.
Nirerekomenda ko ito para lamang sa mga gusto ng "Vampire movies" pero sa mga gusto lang ng libangan wag na po.

(Pictures Courtesy by: Google.com)Vampire academy Trailer

A long way down (2014)

Dito pumapasok ang salitang "Magaling". Magaling sa paraang ginawa ang pelikula kung pano din siya ipinakita sa madla ng hindi maguguluhan ang mga manonood. Basta ang pelikulang ito ay iba. Iba sa mga basta basta niyong nakikita sa mga sinehan.
Konting istorya ang ibibigay ko, simulan natin sa apat sa kanila bawat isa sakanila ay may sariling kwento. At doon na papasok ang kahenyohan ng kanilang istorya at direktor.
Medyo masasabi kong boring siya sa ibang parte pero pag gusto mo talagang pumatay ng oras aba'y isa na to sa mga magandang panoorin.
Nirerekomenda ko ito sa lahat.

(Pictures Courtesy By: Google.com) A long way down Trailer

Sabado, Agosto 30, 2014

Limitless (2011)

Sa pamagat pa lamang ika'y maaantig ng mapanood ang pelikulang ito. Sisimulan ko ang komento sa salitang "Kaya". Kaya ba nating maging mas magaling at mas matalino ?. Gaya narin sa pinaniniwalaan nating sampung porsyento lamang ng ating utak ang ating nagagamit. Kung ito'y tama may posibilidad na pag ang tao na naka akses ng isang daang porsyento ay kaya ng gawin ang mga pambihirang bagay at maaaring maging isang diyos.
Sa pelikulang ito, ipapakita kung ano ang dati pa nating pinaniniwalaan. At mga posibilidad na magawa pag na akses nating ang isang daang porsyento ng ating utak. Nirerekomend ako ito.

(Pictures Courtesy By: Google.com) Limitless Trailer

Were the Miller (2013)

Sa lahat ng tinawanan kong pelikula heto ang nagbigay sakin ng kabag hahaha. Matindi talaga ang mga eksena dito, hinding hindi ka lugi pag pinanood mo ito.
Isipin nalang nating sobrang hirap mag karoon ng pamilya pero sila ? , dinaan nila ito sa isang usapan at naging mabilisang pamilya sila. Ang tindi ng istorya nito na hindi mo maiisip na posible palang gumawa ng katatawanan sa istoryang ginawa nila.
Nirerekomenda ko ito sa mga pa teen agers palang dahil narin may mga parte itong di naaangkop sa mga bata. Kaya ipinapangako ko di kayo magsisisi sa panonood nyo.

(Pictures Courtesy by: Google.con) Were the miller Trailer

Biyernes, Agosto 29, 2014

World War Z (2013)

Para sa mga malulupit na aksyon at talagang kabilib bilib na galawan ng mga zombie, ay aba ! heto na ang hinahanap ninyo. Di lang sa mga aksyon ito nakakamangha, andiyan din si Brad Pitt na isang batikang aktor na talaga ngang nagdala ng pelikula.
Sa dami-dami ng zombie na pelikula eto ung isa sa mga may kaka ibang pagpapalit ng tao sa pagiging zombie.
Hindi naman sa gusto kong ikwento yung palabas dahil sa ganda, talagang hindi ko lang maiwasan dahil busog na busog ito kaya pinaka nirerekomenda ko ito sa mga taong gusto talaga ng masayang pamatay ng oras.

(Pictures Courtesy By: Google.com)World war Z Trailer

Chef (2014)

Sa pelikulang ito medyo magiging pabor ako na hindi naman talaga dapat sa kadahilanang isa rin akong taong gustong maging isang kusinero.
Ang kwento nito ay angkop para sa lahat ng edad. Karaniwang kwento ng pelikula na may natural na Pag angat at pag baba. Dahil sa totoong buhay naman wala namang taong nagtagumpay agad ng hindi nanggagaling sa hirap.
Bukod sa kwento nitong nakaka pag bigay inspirasyon may mga matututunan din tayo. Kaya para sa mga gusto ng pelikula at pamatay ng oras inirerekomenda ko ito.

(Pictures Courtesy By: Google.com) Chef trailer

Huwebes, Agosto 28, 2014

Godzilla (2014)

Godzilla, isinabuhay ulit gamit ang makabagong teknolohiya. Di ko sigurado kung anung ihuhusga ko dito, bago ko husgahan hayaan nyo muna akong magkomento.
Medyo mga low-cost ang mga artist, hindi mapuntirya kung sino ba talaga ang mga bida pero ayos naman ang aksyon ng gulpihan ng mga halimaw.
Yung kwento medyo dapat inayos pa. Nirerekomenda ko ito sa mga mahilig lang sa mga aksyon pero sa mga hilig ang buong pelikulang nakakapag pagana hindi ito para sa inyo.

(Picture Courtesy by: Google.com)Godzilla Trailer

Linggo, Agosto 24, 2014

The fault in our stars (2014)

Isa sa mga librong isinabuhay at nagawan ng magandang pag arte at pag endorso. Saktong sakto sa panlasa ng masa, nakaka antig ng puso ang pelikulang ito. Yung tipong nadala ako nito hanggang sa huli.
Ito yung pelikulang kailangan di ka matalino, wag mong isipin yung mga susunod na eksena, ang gawin mo lamang ay i blanko mo ang iyong utak at manood ng mabuti. Sa ganyang paraan mararamdaman mo ang nararamdaman ng bawat taong nakapanood nito. May part na mapapa iyak ka, kaso hindi ako napa-iyak nito.
Maganda palabas ito, subukan nyo po.

(Pictures Courtesy by: Google.com)TFIOS Trailer

Huwebes, Agosto 21, 2014

Tron Legacy (2010)

Tron , sa totoo lang simpleng kathang isip lang siya. Natural na sa paningin ng masa. Dahil ang teknolohiya na ating ginagamit ngayon ay mas maganda na. Pero sa isang pelikulang ito, ma eenjoy mo pa din ang panonood nito. Maeenjoy sa paraang pag bibigay importansiya sa istorya.
Di ko din halos alam kung pano ko bibigyan ng komento ito eh. Basta nasiyahan ako tapos!

(Pictures Courtesy by: Google.com) Tron Legacy Trailer

Miyerkules, Agosto 20, 2014

Transcendence (2014)

Una sa lahat pili lang sa mga daliri ko ang mga pelikulang "Sci-fi" at nagkataon pang napasama ito sa mga nagustuhan ko. Tama, nagustuhan ko nga ibig sabihin wala kayong pag sisisihan sa pag nood nito.
Kwento ng isang tao na wala na talagang pag-asang mabuhay at ang natatanging paraan nalamang ay maipasok ang kanyang sarili hindi naman yung literal na sarili kundi yung pag iisip niya. Ito nga pala yung pelikulang di mo agad masasabi ang katapusan o ang mga susunod na pangyayari. Kaya mas lalo kang mananabik habang pinapanood mo ito.
Ito'y nirerekomenda ko sa lahat ng edad. Di lang kayo basta mamamangha sa kayang gawin ng bida dito kundi mararamdaman nyo rin kung anong pakiramdam niya habang nasa loob siya ng makinarya.

(Pictures Courtesy by: Google.com) Transcendence Trailer

Martes, Agosto 19, 2014

Enders game (2013)

Mautak kung kumilos at mag-isip. Yan ang bida ng Ender game, na kilala sa pangalang Ender Wiggins(karakter sa pelikula). Dito ipinakita na ang pagbully sa mga mauutak na tao ay di basta basta. Bata man sa paningin nakakagawa din ng kamangha manghang pagdala at pamumuno.
Nung una kamuntik na akong makatulog sa palabas na ito dahil narin sa boring na effects. Pero ang nagpanatili sakin para matapos itong palabas na ito ay ang kwento na kahit papano nasundan ko dahil sa sobrang bilis.
Mairerekomenda ito sa mga taong mahilig purong kathang isip na palabas o kaya sabihin nanating walang katotohanang palabas.

(Pictures Courtesy by: Google.com) Enders game Trailer

Sabado, Agosto 16, 2014

Miracle In Cell No. 7 (2013)

Nakakatawa, nakakaiyak, nakakalungkot at nakakatindig balahibo. Mga emosyong na aking naramdaman habang pinapanood ko ang palabas na ito. Hindi ko hilig manood ng mga pelikulang galing sa ibang bansa na hindi ko maintindihan ang lingwahe, pero nagbago yung pananaw ko simula nung napanood ko ito.
Istorya tungkol sa mag-ama na lubos ang pagmamahal at pagtitiwala sa isa't-isa. Yong-Goo pangalan ng ama at si Ye-seung na kanyang anak, ang ama niya ay may sakit sa pag-iisip dahil dito mas lalo akong bumilib.
Sa pag arte walang wala akong masasabi, hindi halos kundi lahat ng aktor at aktres ay nagpakita ng hindi mapapantayang pag arte. Dalang-dala ako ng pelikulang ito, palabas na mag iiwan ng alaala hanggang sa pag tulog. Dito natin mapagtatanto na ang pamilya, kulang man at hindi mayaman, napagtitibay pa din talaga ng pagmamahalan. Inirerekomenda sa lahat edad.


(Pictures Courtesy By: Google.com)Miracle in cell no.7 trailer

Biyernes, Agosto 15, 2014

Warm Bodies (2013)

Para sa mga umiidolo at kinalolokohan ang mga "ZOMBIE MOVIE", ito ang dapat niyong panoorin. Pinaka kakaibang palabas, dahil ang istorya na ito ay imbis na magpatayan ang tao at zombie ay nagkaroon pa ng pagmamahalan. Iba diba?, sa mga malilikot na isip na nag isip nito sobrang saludo ako.
Gumanap ng pambihirang pag arte ang dalawang nagbibida sa palabas na sina Nicholas Hoult at Teresa Palmer. Bilang isang adik sa panunuod ng mga Pelikula tungkol sa mga zombie hindi ko talaga inasahan to. Pero kagaya ng iba natuwa at tinanggap ko ang istorya ng pelikulang ito.
Binigyang ideya nila ang madla na ang bawat pelikula na halos iisa lang ang istorya ay kayang gawin ulit at pagandahin pa ang istorya. Sobrang inirerekomenda ko ito.
(Picture Courtesy by: Google.com) Warm Bodies Trailer

Miyerkules, Agosto 13, 2014

Robot and Frank (2012)

Pelikulang nagbigay ng importansya sa mga taong natutubuan na ng mga puting buhok o masasabi nating mga matatanda. Kung sa kwela at kadramahan lamang aba hindi magpapahuli ang palabas na ito. Istoryang nagbigay inspirasyon sa bawat matatanda at bata na ang isang makinaryang tulad ni Robot(pangalan ng robot sa istorya) ay kayang mag-alaga,maging katuwang, maging kasiyahan ng isang tao.

Ito ang pelikulang kathang isip na nagpakita sakin ng reyalidad sa aking pagtanda. Malungkot kungbaga.Kaya kung gusto nyong umiyak, tumawa, at mapukaw ang damdamin inrerekomenda ko ito sa pangkalahatan. Mapa bata o mapa matanda.

(Pictures Courtesy by: Google.com) Robot and Frank Trailer