Linggo, Agosto 31, 2014

Vampire academy (2014)

Para sa mga umiidolo sa mga bampira, heto na ang isa sa mga dapat panoorin nyo. Dahil sa dami ng bersyon ng mga bampira, isa ito sa mga naiba.
Pero sa mga tao namang walang interest sa mga gantong tema ay lubos kong sinasabing wag na hoh nating panoorin ito. Dahil ako na pong nagsasabi, hindi po talaga masyadong maganda ang script ng pelikula at ang pag akting ay di ko masyadong nagustuhan. Mababawi naman siguro ito ng kaka ibang istorya ng mga bampira.
Nirerekomenda ko ito para lamang sa mga gusto ng "Vampire movies" pero sa mga gusto lang ng libangan wag na po.

(Pictures Courtesy by: Google.com)Vampire academy Trailer

A long way down (2014)

Dito pumapasok ang salitang "Magaling". Magaling sa paraang ginawa ang pelikula kung pano din siya ipinakita sa madla ng hindi maguguluhan ang mga manonood. Basta ang pelikulang ito ay iba. Iba sa mga basta basta niyong nakikita sa mga sinehan.
Konting istorya ang ibibigay ko, simulan natin sa apat sa kanila bawat isa sakanila ay may sariling kwento. At doon na papasok ang kahenyohan ng kanilang istorya at direktor.
Medyo masasabi kong boring siya sa ibang parte pero pag gusto mo talagang pumatay ng oras aba'y isa na to sa mga magandang panoorin.
Nirerekomenda ko ito sa lahat.

(Pictures Courtesy By: Google.com) A long way down Trailer

Sabado, Agosto 30, 2014

Limitless (2011)

Sa pamagat pa lamang ika'y maaantig ng mapanood ang pelikulang ito. Sisimulan ko ang komento sa salitang "Kaya". Kaya ba nating maging mas magaling at mas matalino ?. Gaya narin sa pinaniniwalaan nating sampung porsyento lamang ng ating utak ang ating nagagamit. Kung ito'y tama may posibilidad na pag ang tao na naka akses ng isang daang porsyento ay kaya ng gawin ang mga pambihirang bagay at maaaring maging isang diyos.
Sa pelikulang ito, ipapakita kung ano ang dati pa nating pinaniniwalaan. At mga posibilidad na magawa pag na akses nating ang isang daang porsyento ng ating utak. Nirerekomend ako ito.

(Pictures Courtesy By: Google.com) Limitless Trailer

Were the Miller (2013)

Sa lahat ng tinawanan kong pelikula heto ang nagbigay sakin ng kabag hahaha. Matindi talaga ang mga eksena dito, hinding hindi ka lugi pag pinanood mo ito.
Isipin nalang nating sobrang hirap mag karoon ng pamilya pero sila ? , dinaan nila ito sa isang usapan at naging mabilisang pamilya sila. Ang tindi ng istorya nito na hindi mo maiisip na posible palang gumawa ng katatawanan sa istoryang ginawa nila.
Nirerekomenda ko ito sa mga pa teen agers palang dahil narin may mga parte itong di naaangkop sa mga bata. Kaya ipinapangako ko di kayo magsisisi sa panonood nyo.

(Pictures Courtesy by: Google.con) Were the miller Trailer

Biyernes, Agosto 29, 2014

World War Z (2013)

Para sa mga malulupit na aksyon at talagang kabilib bilib na galawan ng mga zombie, ay aba ! heto na ang hinahanap ninyo. Di lang sa mga aksyon ito nakakamangha, andiyan din si Brad Pitt na isang batikang aktor na talaga ngang nagdala ng pelikula.
Sa dami-dami ng zombie na pelikula eto ung isa sa mga may kaka ibang pagpapalit ng tao sa pagiging zombie.
Hindi naman sa gusto kong ikwento yung palabas dahil sa ganda, talagang hindi ko lang maiwasan dahil busog na busog ito kaya pinaka nirerekomenda ko ito sa mga taong gusto talaga ng masayang pamatay ng oras.

(Pictures Courtesy By: Google.com)World war Z Trailer

Chef (2014)

Sa pelikulang ito medyo magiging pabor ako na hindi naman talaga dapat sa kadahilanang isa rin akong taong gustong maging isang kusinero.
Ang kwento nito ay angkop para sa lahat ng edad. Karaniwang kwento ng pelikula na may natural na Pag angat at pag baba. Dahil sa totoong buhay naman wala namang taong nagtagumpay agad ng hindi nanggagaling sa hirap.
Bukod sa kwento nitong nakaka pag bigay inspirasyon may mga matututunan din tayo. Kaya para sa mga gusto ng pelikula at pamatay ng oras inirerekomenda ko ito.

(Pictures Courtesy By: Google.com) Chef trailer

Huwebes, Agosto 28, 2014

Godzilla (2014)

Godzilla, isinabuhay ulit gamit ang makabagong teknolohiya. Di ko sigurado kung anung ihuhusga ko dito, bago ko husgahan hayaan nyo muna akong magkomento.
Medyo mga low-cost ang mga artist, hindi mapuntirya kung sino ba talaga ang mga bida pero ayos naman ang aksyon ng gulpihan ng mga halimaw.
Yung kwento medyo dapat inayos pa. Nirerekomenda ko ito sa mga mahilig lang sa mga aksyon pero sa mga hilig ang buong pelikulang nakakapag pagana hindi ito para sa inyo.

(Picture Courtesy by: Google.com)Godzilla Trailer

Linggo, Agosto 24, 2014

The fault in our stars (2014)

Isa sa mga librong isinabuhay at nagawan ng magandang pag arte at pag endorso. Saktong sakto sa panlasa ng masa, nakaka antig ng puso ang pelikulang ito. Yung tipong nadala ako nito hanggang sa huli.
Ito yung pelikulang kailangan di ka matalino, wag mong isipin yung mga susunod na eksena, ang gawin mo lamang ay i blanko mo ang iyong utak at manood ng mabuti. Sa ganyang paraan mararamdaman mo ang nararamdaman ng bawat taong nakapanood nito. May part na mapapa iyak ka, kaso hindi ako napa-iyak nito.
Maganda palabas ito, subukan nyo po.

(Pictures Courtesy by: Google.com)TFIOS Trailer

Huwebes, Agosto 21, 2014

Tron Legacy (2010)

Tron , sa totoo lang simpleng kathang isip lang siya. Natural na sa paningin ng masa. Dahil ang teknolohiya na ating ginagamit ngayon ay mas maganda na. Pero sa isang pelikulang ito, ma eenjoy mo pa din ang panonood nito. Maeenjoy sa paraang pag bibigay importansiya sa istorya.
Di ko din halos alam kung pano ko bibigyan ng komento ito eh. Basta nasiyahan ako tapos!

(Pictures Courtesy by: Google.com) Tron Legacy Trailer

Miyerkules, Agosto 20, 2014

Transcendence (2014)

Una sa lahat pili lang sa mga daliri ko ang mga pelikulang "Sci-fi" at nagkataon pang napasama ito sa mga nagustuhan ko. Tama, nagustuhan ko nga ibig sabihin wala kayong pag sisisihan sa pag nood nito.
Kwento ng isang tao na wala na talagang pag-asang mabuhay at ang natatanging paraan nalamang ay maipasok ang kanyang sarili hindi naman yung literal na sarili kundi yung pag iisip niya. Ito nga pala yung pelikulang di mo agad masasabi ang katapusan o ang mga susunod na pangyayari. Kaya mas lalo kang mananabik habang pinapanood mo ito.
Ito'y nirerekomenda ko sa lahat ng edad. Di lang kayo basta mamamangha sa kayang gawin ng bida dito kundi mararamdaman nyo rin kung anong pakiramdam niya habang nasa loob siya ng makinarya.

(Pictures Courtesy by: Google.com) Transcendence Trailer

Martes, Agosto 19, 2014

Enders game (2013)

Mautak kung kumilos at mag-isip. Yan ang bida ng Ender game, na kilala sa pangalang Ender Wiggins(karakter sa pelikula). Dito ipinakita na ang pagbully sa mga mauutak na tao ay di basta basta. Bata man sa paningin nakakagawa din ng kamangha manghang pagdala at pamumuno.
Nung una kamuntik na akong makatulog sa palabas na ito dahil narin sa boring na effects. Pero ang nagpanatili sakin para matapos itong palabas na ito ay ang kwento na kahit papano nasundan ko dahil sa sobrang bilis.
Mairerekomenda ito sa mga taong mahilig purong kathang isip na palabas o kaya sabihin nanating walang katotohanang palabas.

(Pictures Courtesy by: Google.com) Enders game Trailer

Sabado, Agosto 16, 2014

Miracle In Cell No. 7 (2013)

Nakakatawa, nakakaiyak, nakakalungkot at nakakatindig balahibo. Mga emosyong na aking naramdaman habang pinapanood ko ang palabas na ito. Hindi ko hilig manood ng mga pelikulang galing sa ibang bansa na hindi ko maintindihan ang lingwahe, pero nagbago yung pananaw ko simula nung napanood ko ito.
Istorya tungkol sa mag-ama na lubos ang pagmamahal at pagtitiwala sa isa't-isa. Yong-Goo pangalan ng ama at si Ye-seung na kanyang anak, ang ama niya ay may sakit sa pag-iisip dahil dito mas lalo akong bumilib.
Sa pag arte walang wala akong masasabi, hindi halos kundi lahat ng aktor at aktres ay nagpakita ng hindi mapapantayang pag arte. Dalang-dala ako ng pelikulang ito, palabas na mag iiwan ng alaala hanggang sa pag tulog. Dito natin mapagtatanto na ang pamilya, kulang man at hindi mayaman, napagtitibay pa din talaga ng pagmamahalan. Inirerekomenda sa lahat edad.


(Pictures Courtesy By: Google.com)Miracle in cell no.7 trailer

Biyernes, Agosto 15, 2014

Warm Bodies (2013)

Para sa mga umiidolo at kinalolokohan ang mga "ZOMBIE MOVIE", ito ang dapat niyong panoorin. Pinaka kakaibang palabas, dahil ang istorya na ito ay imbis na magpatayan ang tao at zombie ay nagkaroon pa ng pagmamahalan. Iba diba?, sa mga malilikot na isip na nag isip nito sobrang saludo ako.
Gumanap ng pambihirang pag arte ang dalawang nagbibida sa palabas na sina Nicholas Hoult at Teresa Palmer. Bilang isang adik sa panunuod ng mga Pelikula tungkol sa mga zombie hindi ko talaga inasahan to. Pero kagaya ng iba natuwa at tinanggap ko ang istorya ng pelikulang ito.
Binigyang ideya nila ang madla na ang bawat pelikula na halos iisa lang ang istorya ay kayang gawin ulit at pagandahin pa ang istorya. Sobrang inirerekomenda ko ito.
(Picture Courtesy by: Google.com) Warm Bodies Trailer

Miyerkules, Agosto 13, 2014

Robot and Frank (2012)

Pelikulang nagbigay ng importansya sa mga taong natutubuan na ng mga puting buhok o masasabi nating mga matatanda. Kung sa kwela at kadramahan lamang aba hindi magpapahuli ang palabas na ito. Istoryang nagbigay inspirasyon sa bawat matatanda at bata na ang isang makinaryang tulad ni Robot(pangalan ng robot sa istorya) ay kayang mag-alaga,maging katuwang, maging kasiyahan ng isang tao.

Ito ang pelikulang kathang isip na nagpakita sakin ng reyalidad sa aking pagtanda. Malungkot kungbaga.Kaya kung gusto nyong umiyak, tumawa, at mapukaw ang damdamin inrerekomenda ko ito sa pangkalahatan. Mapa bata o mapa matanda.

(Pictures Courtesy by: Google.com) Robot and Frank Trailer

Martes, Agosto 12, 2014

The Butler (2013)

The Butler, isa ito sa mga mataas na kalidad na pelikula na nakapagpaantig ng puso at nakakadala ng emosyon. Diskriminasyon, dito ko mas lalong naintindahan ang salitang iyon. Dito ko rin naramdaman ang pagkamuhi sa mga taong puti(dati).
Napaka gandang kwento na tinangkilik ng halos lahat ng tao sa amerika at iba't-ibang panig ng mundo. Ito ay inilarawan sa mga itim na amerikano noon.
Sa lahat ng pelikulang napanood ko ito lamang ang nagbigay sakin ng pagkakaba at pagtayo ng balahibo. At nagbigay ng motibasyon sa akin tutal isa akong Hotel and restaurant management na estudyante. Pagiging butler o alalay ng mga taong nangangailangan ng tulong ay  napakahirap at mapagpasensyang trabaho. At dito ako napabilib ng kwento na ito dahil sa hango naman ito sa tunay na  buhay, dahil kahit walang nakuhang papel na nakakapagpatunay na kaya niyang maging isang magaling na "Butler" nagawa parin niyang matuto at maging mahusay.
Nirerekomenda ko ito ng sobra.
(Pictures Courtesy by: Google.com) The butler trailer

Captain America : The Winter Soldier (2014)

Kapitan Amerika!. Ang pelikulang nagbigay sakin ng rason para mamangha sa mga kwento ng "Super Hero". Dahil dito nagbalik ang aking kabataan na kung saan ginagaya ko ang mga malalakas na bayani ng nakaraang dekada. Pero uulitin ko hindi ko talaga gusto ang mga gantong pelikula nagkataon lang na nang mapanood ko ito nabigyang liwanag ako sa ganda.
Idaan natin sa modernong effects, ito ay 10-10-10 Mapa tunog, imahe at pag arte halos maperpekto nila ito. Sa mga aksyon na iksena halatang ibinigay nila ang kanilang isang daang porsyento.
Mairerekomenda ito para sa lahat ng edad mapa lalaki man o babae. At kung kayo man ay mabitin, ito ay naman ay masusundan sa palabas na "Avengers 2".



(Pictures Courtesy By: Google.com) captain america trailer

About time (2013)

Para sa mga malalawak ang isip. Sa mga taong gustong tumigil ang reyalidad sa pansamatalang oras. Ito na ang hinahanap nyo, pag-ibig na may kasamang relasyon ng pamilya.
Sa dami-rami kong napanood na patungkol sa kwento ng Paglalakbay oras. Ito ang nagpatutok sakin hanggang sa huli, ni mag C.r nga hindi ko pa nagawa dahil sa palabas na ito. Sa lahat naman ng gantong istory ito ang may pinaka orihinal at kakaibang kagamitan para makapaglakbay oras.
Base naman sa kanilang pag arte, ni ako na hindi kinikilig at iyakin. Aba, naparamdam nila ito sa akin. Ganoon katindi ang pag arte ng bawat karakter dito.
Isa sa mga matitinding eksena dito na nagpatalbog ng aking puso ay ang huling parte ng pelikula kaya ipinapangako ko isa tong magandang pelikula.
(Pictures Courtesy by: Google.com) About time trailer

Delivery Man (2013)

Ang magbibigay sa iyo ng kasiyahang hindi malilimutan hanggang sa tumanda. The delivery man, ito ang pelikulang orihinal at hindi pa gasgas ang kwento. Kung papanuodin mo to?. Wag na maghintay pa simulan mo na.
Ang kwento nito ay tungkol sa isang lalaking nagdedeliver ng mga karne. May kasintahan (na hindi niya alam na buntis) at may simpleng pamumuhay. Noong bata bata pa siya sinubukan niyang magtrabaho kaso ang trabaho na yun ang nagtulak sakanya upang magkaroon ng di inaasahang pagbabago sa buhay niya. Oh ayan, tama na muna ang pag sasalita ko tungkol sa istorya para naman mapanuod pa ng mga taong gusto itong mapanuod.
Bago ko tapusin ang blog na ito, nirerekomenda ko ito ng husto dahil maaaring may matutunan kayo dito mas lalo na sa mga kalalakihan.
(Pictures courtesy by: Google.com) Delivery man Trailer

Noah(2014)

Pelikulang nakakabilib!. Marami ng palabas na nag patungkol sa istorya ni Noah. Pero ang sa lahat ng iyon, ito ang pinaka nag bigay buhay. Sabihin nanating may mga kaonting nabago pero ang orihinal na istory ay nandoon parin.
Sa panahon ngayon, ang mga pelikulang ginamitan ng napakalakas na "effects" ay normal na lamang maliban na lamang kung ang manonood ay hindi masyadong In sa teknolohiya. Halina't suriin natin ang artistang kinababaliwan ngayon ng mga kalalakihan ito ay si Emma Watson. Bilang Ila sa pelikulang ito, binigyan niya ng magandang buhay ang karakter na ibinigay sakanya. Mapabuntis man o mapa iyakan, dalang-dala parin niya ang karakter.
Hinango ito sa kwento ng ating bibliya, isa ako sa mga taong hindi naman talaga relihiyoso pero ito ang makakapagbalik ng iyong paniniwala dahil parang pakikipagtalik lamang yan, maganda at masaya sa una at malalaman mo nalamang na ika'y nagtutuon na pala ng pansin.
Tatapusin ko ang blog na ito sa mga salitang "Walang katulad."
(Pictures courtesy by: Google.com) "Noah Trailer"