The Butler, isa ito sa mga mataas na kalidad na pelikula na nakapagpaantig ng puso at nakakadala ng emosyon. Diskriminasyon, dito ko mas lalong naintindahan ang salitang iyon. Dito ko rin naramdaman ang pagkamuhi sa mga taong puti(dati).
Napaka gandang kwento na tinangkilik ng halos lahat ng tao sa amerika at iba't-ibang panig ng mundo. Ito ay inilarawan sa mga itim na amerikano noon.
Sa lahat ng pelikulang napanood ko ito lamang ang nagbigay sakin ng pagkakaba at pagtayo ng balahibo. At nagbigay ng motibasyon sa akin tutal isa akong Hotel and restaurant management na estudyante. Pagiging butler o alalay ng mga taong nangangailangan ng tulong ay napakahirap at mapagpasensyang trabaho. At dito ako napabilib ng kwento na ito dahil sa hango naman ito sa tunay na buhay, dahil kahit walang nakuhang papel na nakakapagpatunay na kaya niyang maging isang magaling na "Butler" nagawa parin niyang matuto at maging mahusay.
Nirerekomenda ko ito ng sobra.
(Pictures Courtesy by: Google.com) The butler trailer
Hanep. Iba ka. Follow na kita hahaha :)
TumugonBurahin